-- Advertisements --
Gaganapin na sa Oktubre 9 sa T-Mobile Arena, Las Vegas ang pangatlong paghaharap nina Tyson Fury at Deontay Wilder.
Isinagawa ang anunsyo ng bagong petsa matapos na hindi natuloy ang orihinal na petsa na Hulyo 24 matapos na dapuan ng COVID-19 si Fury.
Sinabi ni Fury na hindi na ito makapaghintay at titiyaking patitikimin niya ng matinding suntok si Wilder.
Magugunitang nagtapos sa draw ang unang pagharap ng dalawa noong Disyembre 2018 at nagwagi naman si Fury sa ikalawa nilang paghaharap noong Pebrero 2020.