-- Advertisements --

gamboa 3

Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang umano’y ginawang pang haharass ng grupo ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas sa isang pamilya ng dating pulis sa Taguig city na nakunan pa ng video.


Inireklamo si Sinas dahil sa paninigaw at umanoy pananakot sa isang pamilya na pinaaalis na sa kanilang tinitirahan dahil gagawing quarantine facility ng pulisya ang nasabing lugar.

Ayon kay PNP chief na nakausap na niya si Sinas at ipinaliwanag sa kaniya ng heneral ang insidente.

Ang nasabing lugar ay pag aari ng PNP at ang nakatira duon ay retired PNP personnel.

Sinabi ni Gamboa kasana sa iimbestigahan ay kung bakit napakaraming pulis na armado ang kasama ni Sinas nung pilit nilang pinaaalis ang pamilya ng isang retiradong pulis.

Pero paliwanag ni Sinas, galing kasi sa inspeksyon ang grupo ng NCRPO kayat marami ang kanilang pwersa.

Nanindigan din si Sinas na illegal settler ang mga ito at dapat nang lisanin ng pamilya dahil matagal nang retirado ang pulis.

Mahirap aniyang maghusga agad dahil maraming anggulo sa bawat video.

Sinabi ni Gamboa, direktiba niya sa lahat ng regional directors na silipin ang mga pag aaring lupain ng PNP dahil kailangan nila ng mga karagdagang pasilidad para sa quarantine ngayon nasa Covid-19 pandemic ang bansa.

ncro3

Samantala, sa kabila ng pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases sa bansa at marami pa rin ang mga pasaway at patuloy na lumalabag sa quarantine protocols, muling umapela si Gamboa sa publiko na huwag ng pasaway ng sa gayon hindi na humantong sa pagsasampa ng reklamo dahil tapos na ang panahon na binibigyan ng konsiderasyon ang mga pasaway na kababayan natin.

Pabor naman si Gamboa sa mga ordinansa ng mga local government units hinggil sa mga protocol violators, gaya ng Quezon City may umiiral na warrantless arrest para duon sa mga pasaway at lumalabag sa quarantine protocols.

Giit ni PNP chief ang Covid-19 virus ay borderless walang sinasanto kaya maging maingat at obserbahan ang mga health and safety protocols.