BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng pulisya sa bayan ng Trento, Agusan del Sur ang naganap sa panghoholdap-patay ng isang di pa kilalang responsable sa American national na si Ralph Eugene Manecke, 56-anyos, residente ng Boston, Massachusetts, at kasado sa isang miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender kon LGBT community pasado alas-9:00 kagabi, Linggo, Pebrero a-2 sa Hills’ View Inn ng Purok 5, Brgy. Pulang Lupa ng nasabing bayan.
Ayon kay PLt. Abelardo Labis, deputy officer ng Trento Municipal Police Station, nag-withdraw umano ng 50-libong piso ang biktima, kasama ang legal spouse nito upang may magagamit sila sa kanilang pagbakasyon kungsaan mula na sila sa Surigao area.
Nang nasa vicinity na sila sa Hill’s View, ay may isang lalaking lumapit sa kanila sabay baril sa dayuhan at kaagad na inagaw ang sling bag ng partner nito at saka tumakas.