-- Advertisements --

Inamin ng Malacañang na paglabag sa batas ng Pilipinas partikular sa Fisheries Code ang pangingisda ng ibang bansa gaya ng China sa ating exclusive economic zone (EEZ).

Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring makapangisda ang mga Chinese fishermen sa loob ng EEZ ng Pilipinas dahil sa arbitral ruling.

Gayunman, hindi binigyan ang bansa ng ganap na sovereign rights sa buong EEZ, bagkus ay hanggang 12 nautical miles lamang ng territorial sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, labag sa batas ng Pilipinas ang pangingisda ng alin mang bansa sa ating EEZ at dapat ipatupad dito ang batas.

Pero ayon kay Sec. Panelo, kailangan munang mapatunayang nangingisda ang mga Chinese vessel na nasa EEZ bago gumawa ng kaukulang hakbang para ipairal ang ating batas.

Kaya rin daw nasabi ni Pangulong Duterte na hindi haharanging mangisda ang mga Chinese sa ating EEZ, dahil unang-una ay hindi naman daw gagawin ito ng China bilang kaibigan natin.