Isinusulong ni Senadora Pia Cayetano, kasalukuyang Chairperson ng Senate Committee on Energy ang pangmatagalang solusyon sa suliranin sa enerhiya sa bansa kabilang dito ang pagpapaunlad sa industriya ng natural gas.
Bilang dating tagapangulo ng Committee on Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking, binigyang diin ni Cayetano ang kahalagahan ng pagtingin sa suliranin ng enerhiya sa perspektibo ng ‘futures thinking.’
Binigyang-diin ni Cayetano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga batas at polisiyang susuporta sa mas malawakang exploration ng natural gas.
Dagdag pa ang pagkakaroon ng sariling mapapagkukunan nito ang magbibigay ng katatagan sa enerhiya sa bansa upang hindi na tayo umasa sa ibayong dagat na lubhang nakaaapekto sa presyo ng enerhiya.