-- Advertisements --
Tinanggal na ng China ang hayop na pangolin sa listahan nila bilang traditional medicines.
Kasamang tinanggal base sa Chinese Pharmacopeia, na kasamang tinanggal ay ang pill na mula sa dumi ng paniki.
Ang nasabing pangolin itinuturing na pinaka-trafficked na mammal sa buong mundo ay siyang itinuturong pinagmulan din ng novel coronavirus na kumalat sa palengke ng Wuhan City, China.
Malaki ang paniniwala rin kasi ng mga Chinese na nakakalunas ng anumang sakit ang nasabing hayop subalit ito ay kinontra ng mga health experts.
Magugunitang kilala ang China sa mga mahilig na kumain ng mga wild animals na pinaniniwalaang nakakagamot ang mga ito.