(Update) Tuluyan nang nagbitiw sa kanyang puwesto si Mali President Ibrahim Boubacar Keïta matapos na ikulong mga sundalo na nagsagawa ng kudeta laban sa kanya.
Sa kanyang pagsasalita sa telebisyon, inanunsiyo rin ni Keïta ang pagbuwag niya sa kanyang gobyerno at sa parliyamento.
“I want no blood to be spilled to keep me in power,” ani Keita.
Ang anak ng presidente at speaker ng National Assembly, Prime Minister Boubou Cissé at foreign at finance ministers ay una nang ikinulong ng mga mutineers.
Bago ito, nagsimula ang kilos protesta dahil umano sa bigong tugunan ng gobyerno ang nagaganap na kurapsyon.
Inakusahan din ang pangulo na dinaya ang naganap na parliamentary election at pinaupo ang mga kaalyado nito.
Naganap ang pag-aresto kay Keita ilang oras nang mag-alsa ang mga junior officers at ikinulong ang kanilang mga opisyal.
Nanawagan naman ang African Union na pakawalan na ang pangulo ng Mali at daanin na lamang sa mapayapang pag-uusap.
Si Mr. Keïta ay nanalo ng second term noong 2018 pero marami ang nadismaya dahil sa isyu ng kurapsiyon at hindi maayos na pamamalakad sa ekonomiya.
Ang Republic of Mali ay isang landlocked country sa West Africa.
Ito ay napapagitnaan ng Niger, Algeria, Burkina Faso at Mauritania.
Sinasabing ang popolasyon nito ay tinatayang nasa 19.1 million.
Ang capital nito ay ang siyudad ng Bamako.