-- Advertisements --
Duterte with MPC
President Rodrigo Roa Duterte

GENERAL SANTOS CITY – Pangunahan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang inagurasyon sa 105 megawatt coal fired power plant phase 2 sa Kamanga, Maasim Sarangani Province.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na naging bisita ang Pangulo sa Sarangani Energy Corporation na pagmay-ari ng mga Alcantara .

Ang nasabing coal fired power Station ang isa sa source ng kuryente na nagsuplay sa grid para maabut ang maraming lugar sa Mindanao.

Matatandaan nagkaruon ng krises sa suplay ng kuryente ang Mindanao at isa ang Sarangani Energy ang tumugon nito sa pamamagitan sa pag energize sa unang 105MW power plant.

Saksihan din ng Pangulo ang launching construction ng 14.5 megawatt hydro power project Siguel river hydroelectric plant na makita din sa nasabing barangay.

Tampok din ang mga negosyante at mga opisyal galing ibat ibang LGU na nagmula pa sa ibang rehiyon para makasalamuha ang Pangulo

Nalaman na ang Pangulo din ang nanguna sa inagurasyon nuon sa unang 105 MW power plant nagdaang mga taon