Inakusahan si Brazilian President Jair Bolsonaro ng crime against humanity ng Internation Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y partisipasyon nito sa deforestation sa Amazon rainforest.
Inihain ng AllRise, isang environmental law organization ang official complaint sa The Hague-based court ngayong araw.
Hiniling ng grupo na magkaroon ng legal proceedings laban sa pangulo at sa kaniyang administrasyon na direktang konektado sa naging negatibong epekto ng climate change sa buong mundo.
Sa naturang complaint, inaakusahan si Bolsonaro na paglulunsad ng malawakang kampaniya na nagresulta sa pagpatay sa mga environmental defenders at nalagay sa peligro ang global population dahil sa epekto ng deforestation.
May tatlong iba pang nakabinbing complaints ang indigenous groups laban kay Bolsonaro sa ICC mula noong 2016 subalit ang isinampa ngayon laban sa Brazilian leader ang may malinaw na kaugnayan sa forest loss at global human health.