-- Advertisements --
Nais ni Brazilian President Jair Bolsonaro na tapusin na ng mga state governors ang ipinapatupad na quarantine ngayong linggo.
Ito ay kahit na nagbabala na ang kanilang health ministers na maaaring tumaas pa ang bilang mga nadadapuan ng virus.
Makailang beses na rin nitong binatikos ang partial quarantine na ipinatupad ng mga governors sa Sao Paulo at Rio de Janeiro para tuluyang masawata ang pagkalat ng virus.
Nauna ng sinibak nito ang kaniyang health minister dahil sa pagsuporta nito sa quarantine kung saan ayon sa pangulo ng nasabing bansa na ito ay nakakasama ekonomiya ng bansa.