-- Advertisements --
Pinatawan ng $3,500 multa (P168,000) si Chilean President Sebastián Piñera dahil sa pagsuway nito sa coronavirus protocol nang mag-selfie ito nang walang suot na facemask.
Humingi naman ng paumanhin si Piñera matapos na kumalat ang larawan nito kasama ang isang babaeng wala ring suot na facemask kamakailan.
Inamin ng presidente na dapat ay nagsuot ito ng facemask nang mag-request sa kanya ang naturang babae ng larawan sa isang beach na malapit sa kanyang tahanan sa bayan ng Cachuaga.
Sa ngayon, mahigpit na ipinatutupad sa Chile ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.
Ang mga mahuling lalabag ay mahaharap sa parusa sa pamamagitan ng pagmumulta o pagkakakulong. (BBC)