-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang pangulo ng Czech Republic na si Milos Zeman matapos ang pakikipagpulong niya sa natalong populist billionaire Prime Minister Andrej Babis na natalo sa halalan.

Ayon sa doctor nito na si Miroslav Zavoral na nasa intensive care unit ng Central Military Hospital sa Prague ang nasabing pangulo.

Nagkaroon aniya ng kumplikasyon ito mula sa dati niyang sakit na matagal ng sumasailalim sa paggamot.

Mula pa kasi noong mga nakaraang taon ay nagkaroon na ng problema sa kaniyang kalusugan ang 77-anyos na si Zeman.

Hindi pa malinaw sa mga doctor nito kung kailan ito makakalabas na ng pagamutan.