Nakiisa na rin sa pagpapanawagan ng ceasefire sa Gaza si French President Emmanuel Macron at hinimok ang world leaders na makiisa sa kanyang apela.
Aniya ang ceasefire lamang ang solusyon para maprotektahan ang mga sibilyan.
Si Pres. Macron ang pinakabagong lider na nanawagan para sa ceasefire at inihayag na walang justifocation ang pag-atake sa mga sibilyan sa gitna ng napapatuloy na ground operations ng Israeli forces sa Gaza strip kung saan nagkukuta ang militanteng Hamas.
Inihayag din nito na ang Israel ang magbebentahe aniya sakaling magkaroon ng ceasefire.
Nanawagan din si Pres. Macron sa Israel na itigil ang pagpatay sa mga inosenteng bata at kababaihan sa Gaza.
Bagamat kinikilala ng French President ang karapatan ng Israel na protektahan ang sarili nito, hinihimok nitong itigil na nito ang pambobomba sa Gaza.
Binigyang diin din ng lider ang pagkondena ng France sa teroristang aksiyon ng militanteng Hamas.
Katulad aniya ng Israel, US, The UK at iba pang western nations, itinuturing ng France na isang teroristang organisasyon ang Hamas.
Isang buwan matapos na sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas, sumampa na sa 11,078 ang bilang ng namatay habang 1.5 million naman ang nagsilikas upang matakasan ang kaguluhan.