-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin ang Miss Universe Colombia organizers kay Catriona Gray dahil sa kontrobersiyang kinaharap nia noon.

Ayon kay Miss Universe Colombia president and national director Natalie Ackerman, na lubos silang humihingi ng paumanhin kay Miss Universe Catriona Gray.

Napiling maging judge si Catriona.

Subalit pinuna ito ng mga netizens ng ipakilala si Catriona na galing sa Australia at nirepresenta ang Pilipinas matapos na ito ay nanirahan doon ng ilang taon.

Bukod pa dito sa maling spelling ng apleyido ni Catriona na ginawang “Garay”.

Umaasa ang organizers na mapatawad sila ni Catriona sa nangyaring pagkakamali.