Nakatakdang dumating sa bansa ang Pangulo ng Republic of Korea na si His Excellency Yoon Suk Yeol, para isang State Visit sa darating na October 6 hanggang 7.
Iwi- welcome sa palasyo ng Malakanyang nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta – Marcos si President YOON at ang maybahay nitong si First Lady KIM Keon Hee sa gagawing seremonya sa palasyo ng Malacañan sa Lunes, Ovtober7,2024.
Ang pagbisita sa bansa ni President YOON ay kasabay ng ika 75 Anibersaryo ng pqgkakatatag ng diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider para pag usapan ang areas of mutual interest tulad ng kooperasyon sa political, security at defense, maritime, economic and development fields, people-to-people ties, gayundin ng labor at consular matters.
Inaasahan ding magpapalitan ng pananaw sina pangulong marcos at president yoon hinggil sa regional international issues at muling pagtitibayin ang masiglang relasyon ng dalawang bansa.
Ito ang kauna unahang bilateral visit ng isang Pangulo ng Republic of Korea sa Pilipinas mula noong 2011.