-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si President Klaus Iohannis ng Romania ilang araw bago ang planong pagpapatalsik sa kaniya.

Iniluluto na kasi ang impeachment laban kay Iohannis dahil sa pagkansela niya ng presidential election noong nakaraang taon.

Maraming mga opposition ang nagsulong ng suspendihin na ito dahil sa desisyon niya na manatili sa puwesto ng hanggang Mayo.

Noong Disyembre kasi ay ipinasawalang bisa ng Korte Suprema ang halalan dahil sa pangingialam umano ng Russia.

Nagpasya ang constitutional court ng Romania 48 oras bago ang botohan na tuluyang ibasura ang buong proseso.

Dahil sa pangyayari ay nagresulta sa pagkakaroon ng kilos protesta sa nasabing bansa.

Inaasahan na lalakas ang tsana ni Calin Georgescu na isang radical outsider na mananalo sa halalan sa buwan ng Mayo.