-- Advertisements --

Darating sa bansa sa araw ng Huwebes si Singapore President Tharman Shanmugaratnam.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na makakasama ni Shanmugaratnam and his spouse Jane Yumiko Ittogi sa kaniyang tatlong araw na pagbisita.

Magkakaroon ito ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Palasyo ng Malacañang.

Magkakaroon pa ng bilateral meeting sina Marcos at pangulo ng Singapore kung saan layon nito ay ang pagpapaigting ng dalawang bansa ang kooperasyon sa ekonomiya at depensa.

Sasaksihan ng dalawa ang pagpirma ng memorandum of understanding na may kinalaman sa recruitment ng Filipino healthcare workers.