-- Advertisements --

Nanawagan si South African President Cyril Ramaphosa sa mga lider ng bansa na i-pressure ang Israel para tigilan na ang atake nito sa Gaza at Lebanon.

Sinabi nito na mahalaga ang pagkakaroon ng ceasefire dahil sa dumaraming mga inosenteng sibilyan na ang nasasawi.

Sa mga susunod na araw ay magsusumite ang kanilang gobyerno ng kaso sa International Criminal Court of Justice (ICJ) bilang suporta sa mga mamamayan ng Palestino laban sa mga nagaganap na genocide.

Nababahala din ang mga ito sa mga nagaganap na pagbomba ng Israel sa Lebanon.