Bigo na mapatalsik bilang pangulo ng South Korea si Yoon Suk Yeol matapos i-boycott ng mga mambabatas mula sa kanyang partido ang boto sa kabila ng mga protesta sa labas ng parliament.
Kasunod ito ng panandaliang deklarasyon ni Yoon ng martial law sa naturang bansa.
Iminungkahi ng mga oposisyon ang impeachment motion kung saan nangangailangan ng two thirds majority
ngunit ang halos kabuuan ng People Power Party (PPP) ay hindi bumoto.
Ayon pa sa mga oposisyon na mga mambabatas, kung hindi lumusot ang impeachment motion ay babalikan nila ito sa Miyerkules sa gitna na rin ng galit ng publiko dahil sa deklarasyon nito ng martial law na nagbunsod sa East Asian democracy at pangunahing kaalyado ng US sa kaguluhan.
Sinabi ng PPP na ang pagharang sa impeachment ay upang maiwasan ang “pagkakawatak-watak at kaguluhan.”
Mareresolba aniya ang krisis sa mas maayos na paraan.