-- Advertisements --
Idineklara ng Pangulo ng South Korea ang pagwawakas na ng halos lahat ng restriksyons na ipinatupad sa kanilang bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang dito ang pagtanggal ng face mask mandate na epektibong pagpapalit sa naturang disease bilang endemic category na lamang.
Sinabi ni South Korean Pres. Yoon Suk Yeol na tinanggal na ang pagsusuot ng face mask sa indoor places maliban sa mga ospital gayundin inalis na ang pagpresenta ng PCR test sa mga arrivals sa South Korea.
Magiging epektibo ang bagong panuntunan simula sa Hunyo 1.
Ginawa ng South Korean leader ang naturang anunsiyo ilang araw matapos na ideklara ng World Health Organization (WHO) ang pagtanggal sa COVID-19 bilang isang global health emergency.