-- Advertisements --
Idineklara ni Tanzania President John Magufuli na “coronavirus – free” na ang kanilang bansa.
Ayon sa nasabing pangulo na ang nasabing virus ay tinanggal na ng Panginoon.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa isang misa sa Dodoma.
Itinigil na kasi ng gobyerno ang paglalabas ng mga datas ng mga mga nadadapuan ng coronavirus.
Pinakahuling paglabas ng data ng bansa ay noong Abril 29 kung saan mayroong 509 na kaso at mayroong 21 ang namatay.
Ikinabahala naman ng World Health Organization (WHO) ang diskarteng ito ng kanilang gobyerno.