-- Advertisements --

Sinibak ni Ukraine President Volodomyr Zelensky ang head ng Ukraine’s security agency (SBU) at prosecutor general dahil sa patung-patong na kaso ng umano’y treason sa dalawang makapangyarihang organisasyon.

Ayon kay President Zelensky, may mahigit 60 dating mga empleyado ito at nagtratrabaho na laban sa Ukraine sa Russian-occupied areas.

Kabuuang 651 collaboration at treason cases ang iniimbestigahan laban sa law enforcement officials.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng pahayag ang Security Service of Ukraine head Ivan Bakanov at prosecutor general Iryna Venediktova.

Ang pagsibak kay SBU chief Ivan Bakanov na childhood friend din ni Zelensky ay kasunod ng pag-aresto dahil sa treason sa high-profile na si dating SBU regional head na si Oleh Kulinych ng Crimea, na naging annexed ng Russia noong 2014 bagamat hindi kinikilala ng Western countries.