-- Advertisements --
image 671

Suportado ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. ang plano na pag isahin ang dalawang government banks ng bansa upang gawin itong no. 1 bank sa Pilipinas kapag pinag uusapan umano ang asset.

Matatandaan na taong 2016, noong tumatakbo si Pangulong Bong Bong Marcos Jr. bilang Vice President ay hindi siya pabor dito dahil aniya mawawalan ng banko na nakafocus sa pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka.

Ngunit nagbago raw ang stand ni Pangulong Marcos Jr. ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno dahil sa kasalukuyang pananaw nito tungkol sa international developments on finance.

Ang merged bank na ito raw ay mas magiging matatag at sa katunayan isa sa magiging magandang bunga nito ay ang mababang interest rate charge.

Sinisiguro naman ng Department of Finance na walang serbisyo ng mga nasabing banko ang mawawala.

Mayroong kabuoang bilang na 899 branches ang dalawang government banks.

Sa mangyayaring merging, dalawamput dalawa nalang ang matitira sa isang banko at ang isa naman ay magkakaroon ng branches sa bawat Local Government Units sa buong bansa.

Binigyang diin naman ni Finance Secretary Diokno na malaki ang magiging savings ng pag merge ng dalawang banko.

Samantala, nakikita naman na posibleng marami ang mawalan ng trabaho dahil sa pagbawas ng branches nito.

Ngunit nilinaw naman ni Finance Secretary Diokno na bibigyan nila ng karapatang pumili ang mga empleyado.

Dahil sila ay mga government employees maaari silang mag retire sa ilalim ng Government Service Insurance System o di kaya ay magbibigay sila ng magandang package para sa mga mawawalan ng trabaho.