-- Advertisements --

bataan3

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat maayos na ang dagdag pension ng mga beterano bilang bahagi ng pagkilala sa naging kontribusyon ng mga ito para sa Kalayaan ng bansa.

Ayon sa Pangulo kailangan talagang gumawa ng hakbang para ayusin ang pension ng mga war veteran lalo na at kakaunti na lang ang nalalabing mga beterano.

Mula aniya sa dating 5,000 ngayon ay nasa halos higit isang libo na lamang ito.

Pagbibigay-diin ng Pangulo, nararapat lamang na alagaan ang mga nalalabing mga beteranong nakipaglaban sa alang- alang sa Kalayaan ng mga Pilipino.

Inihayag naman ng Philippine Veterans Affairs Office, nananatiling nakabinbin ang panukalang batas para sa additional pension ng mga war veteran at nasa 25 taon ng hindi umuusad.

Sa kabilang dako, pinag-aaralan din ngayon ng pamahalaan kung papaano pagtibayin ang sistema sa pagbibigay ng pension sa mga beterano.
Nilinaw naman ng Pangulo na ang pension ng world war 2 veteran ay hindi kasama sa isinusulong na MUP reform.