-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Saidamen Balt Pangarungan bilang bagong ad interim chairperson ng Commission on Elections (Comelec).
Si Pangarungan ay head ng National Commission on Muslim Filipinos bago ang kaniyang appointment sa Comelec.
Sa Palace briefing, kinumpirma ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na nilagdaan ng Pangulo ang appointment papers kay Pangarungan kabilang ang appointment nina George Erwin Garcia at Aimee Torrefranca-Neri bilang ad interim Comelec commissioners.
Ang diektiba ng Pangulong Duterte ay para matiyak ang matapat, mapayapa, credible at malayang halalan sa nalalapit na Mayo 9.