-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaabangan na ng mga big bike enthusiast ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Iloilo upang pangunahan ang ika-25 National Motorcyle Covention.

Isasagawa dakong alas-6:30 mamayang hapon dadating sa Iloilo Covention Center (ICC) si Duterte upang maging panauhing pandangal sa nasabing aktibidad.

Magsisilbing receiving party ay sina Sec. Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, Iloilo Governor Arthur Defensor Sr., Iloilo City Mayor Jose Espinosa III at Dr. Ruben Ramirez, President ng Iloilo Motorcycle Club.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Victor Facultad, Vice President ng Iloilo Motorcycle Club, sinabi nito na mas kaabang-abang ang magiging laman ng mensahe ng Pangulo.

Umaabot sa mahigit 3,000 ang inaasahang dadalo sa national convention.

Maliban sa programa, mayroon namang display ng mga big bikes para sa photo opportunity.

Napag-alaman na ang nasabing 2-day activity ay magtatapos ngayong araw, Abril 6.