-- Advertisements --

DAVAO CITY – Gaya ng inaasahan, dito sa lungsod ng Davao nagdiwang ng pasko si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang pamilya.

Sa larawan na inilabas ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio makikita kumain ang Pangulo kasama ang kanyang dating asawa na si Elizabeth Zimmerman ang ina ni Mayor Inday, Davao Vice Mayor Sebastian, at Davao 1st District Rep. Paulo Duterte.

Maagang lumipad ang Pangulo pauwi sa Davao para dito mag-pasko kung saan nakagawian na niya itong gawin bawat taon.

Kung maalala, una ng sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa niya matiyak kung hanggang sa pagsalubong ng bagong taon ay mananatili ang Pangulo sa Davao ngunit dito sa lungsod niya gagawin ang pagpirma ng proposed 2021 national budget sa araw ng Lunes, December 28, 2020.