DAVAO CITY – Hinangaan ng lokal na pamahalaan ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na nag-comply rin ito sa mga requirements gaya ng pag-presenta ng 24 to 72-hour negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result ng dumating ito sa lungsod at bago lumabas sa Davao International Airport sa nakaraang araw.
Nabatid na gaya ng mga ordinaryong pasahero, nagsumite rin ang Pangulo RT-PCR test negative result bilang pagsunod sa ipinatupad na safety protocol sa Davao Airport.
Ito ang kinumpirma ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio kung kanyang sinabi na isang maganda ehemplo ang ginawa ng Pangulo na dapat gawin rin ng iba.
Pagpapatunay lamang ito na walang exempted na mga pasahero sa mga requirements at guidelines na ipinatupad para lamang ma-protektahan ang mga residente sa lungsod at mga katabing probinsiya.
Kung maalala maliban sa pagdala ng negative RT-PCR test result ng mga pasahero, maari rin na maka-avail ng libreng RT-PCR testing ang mga pasahero pagdating nila sa Davao airport ngunit kailangan muna nilang hintayin ang resulta bago payagan na makalabas o makauwi.