DAVAO CITY – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nahihiya siya tuwing sasambitin ng mga tao ang salitang dynasty.
Ito umano ang dahilan kayat hinamon niya ang opposition na magtayo ng matibay na partido upang may pagpipilian na ang mga tao sa darating na eleksyon.
Ito ang nasambit ni Pangulong Duterte matapos manumpa ang kanyang tatlong mga anak na siyang magpapatakbo sa lungsod ng Davao.
Kinabibilangan ito nina Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte, Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Payo na lamang ng pangulo sa kanyang mga anak na manatiling mapagkumbaba at huwag abusuhin ang posisyon at siguruhin na maihahatid ang tamang serbisyo sa mga mamamayan.
Binanggit din ng pangulo na iwasan ng mga anaka ang pagtanggap ng award sa mga nagawang accomplishments.
“Ako’y nahihiya kasi people keeps on repeating that phrase about dynasty. Totoo man yan masama man talaga na isang pamilya lamang ang magpapatakbo sa pamahalaan for so many years,” wika ni Duterte.