Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” net satisfaction rating na +60 ilang buwan bago matapos ang kaniyang termino base sa lumabas na latest Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre 2021.
Iprinisenta ni SWS president and CEO Linda Luz Guerrero ang inisyal na resulta ng December 2021 national survey sa isinagawang 2022 SWS Survey Review forum na inorganisa ng Asian Institute of Management and Konrad Adenauer Stiftung Foundation.
Paliwanag ni Guerrero na patuloy na natatamasa ng pangulo ang tinatawag na “honeymoon phase” ng kaniyang administrasyon kung saan nananatiling mataas sa +30 hanggang +49 net ratings.
Ilan sa mga itinuturing na factors ng mataas na satisfaction rating ang strong base support ng pangulo sa kabila ng economic at iba pang developments.
Gayundin ang pamamalakad o leadership system umano ng Pangulong Duterte sa ilang specific policy issues gaya ng pagtulong sa mga mahihirap at ang kampaniya sa iligal na droga.
Pangatlong factor din ay nakakarelate o satisfied ang mga tao sa ilang katangian ng pangulo gaya ng pagiging decisiveness at deligence.