-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa Tandag City na sa lalawigan ng Surigao del Sur si Pangulong Rodrigo Duterte sakay ng presidential chopper kasama ang kanyang Presidential Security Group (PSG).

Ito’y matapos ang kanyang pagdating sa Surigao City Airport kaninang alas-tres ng hapon.

Unang dumating ang kanyang mga cabinet secretaries sa Villa Maria Luisa Hotel, sa Tandag City para sa itinakdang briefing nila ngayong hapon.

Layunin ng pagbisita ng pangulo na maikot ang mga lugar na grabeng nabahaan dahil kay bagyong Auring.