-- Advertisements --

Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na personal nitong tututukan ang mabilis na disaster response ng mga ahensya ng gobyerno, lalo’t personal nitong naranasan ang pagyanig na dulot ng 6.5 magnitude na lindol.

Ayon kay Sen. Bong Go sa panayam ng Bombo Radyo, nagbigay na ng direktiba ang chief executive sa DSWD para sa mabilis na pamamahagi ng relief goods sa mga nasiraan ng bahay, namatayan ng kaanak at nasaktan sa kalamidad.

Habang ang DPWH naman ay pinakikilos na para sa mabilis na clearing operations at pagsasa-ayos ng mga pampublikong istraktura.

Giit umano ng Pangulo, dapat hindi ma-delay ang tulong at agad na maiabot sa bawat apektadong pamilya ang kinakailangang suporta.

May malasakit center din aniyang sasagot sa bayarin ng mga nasugatan na naisugod sa ospital dahil sa lindol.