Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping na palakasin ang West Philippine Sea (WPS) bilateral task force sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sinabi ni Marcos na ang mga insidenteng naganap sa West Philippine Sea ay posibleng dahil sa miscommunication ng dalawang bansa.
Idinagdag ng Pangulo na bukas si Xi Jin Ping sa kanyang mungkahi.
Binigyang-diin din ni Pangulo na hindi solusyo ang militar sa pagresolba sa mga alitan sa teritoryo.
Samantala, sinabi naman ni House Speaker Martin Romualdez na magpapadala ang Japan ng mga kagamitan sa pagtatanggol upang palakasin ang seguridad sa dagat ng bansa sa gitna ng patuloy na aktibidad ng China sa South China Sea.
Isa rin ito sa mga pangunahing talakayan ni Marcos sa kanyang limang araw na pagbisita sa Japan.