Kasalukuyang nasa ilalim ng preventive suspension ngayon si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.
Ito ay matapos na ipagutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na suspindihin si Bantag kasunod ng pagkamatay ng umano’y “middleman” sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.
Ipinahayag ito ni Remulla kasunod ng paglabas sa 42 years old na PDL o persons deprived of Liberty na si Crisanto Villamor Jr. na namatay nga nitong martes, October 18 alas tres ng hapon sa loob mismo ng Bilibid.
At ngayon nga ay hininintay na lang ang final result ng autopsy na nakatakdang ilabas ng medico-legal team ng National Bureau of investigation para malaman kung ano talaga ang kinamatay ng nasabing middleman na may kaugnayan sa isyu ng foul play sa pagkamatay nito.
Samantala nasa kustodiya na rin ng Philippine National Police ang isa pang hinihinalang middleman sa pagpaslang kay Percy Lapid at nakakulong umano ito sa isa pang Jail facility sa Taguig.
Itinilaga naman ngayon si former Chief of staff Gregorio Catapang na bagong officer In charge ng bureau of corrections. (report from Bombo Chill Emprido)