-- Advertisements --

himars

Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kaninang umaga sa Zambales.

Pasado alas nueve ng umaga kanina ng dumating ang chief executive sa Naval Station Leovigildo Gantioqui, San Antonio, Zambales kung saan ay sinaksihan nito ang firing ng high mobility artillery rocket system o Himars.

Ayon kay Balikatan Spokesman Col Micheal Logico, bahagi ng live fire exercise ang pag-target at pagpapalubog sa isang decommissioned Navy warship na nakakasakop sa 12 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.

Kitang kita na excited ang Pangulo sa nasabing aktibidad.

Ang nasabing event ay siyang highlights ng Balikatan Exercise 2023 na nagsimula nuong April 11.

Nasa mahigit 17,600 na mga Filipino at American military personnel ang kalahok sa 38th iteration na tinaguriang pinaka malaking event sa history ng balikatan.

Layon nito na paigtingin ang joint and combined capabilities sa maritime security, amphibious operations, live-fire exercise, urban operations, aviation operations at counter-terrorism.

Nakatakdang magtapos ang Balikatan exercise sa darating na April 28,2023.