-- Advertisements --
MARCOS AND CAMBODIAN

Nagkasundo sila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Sen na ang pagiging matiyaga “ang daan pasulong” sa pagharap sa lumalalang political crisis sa Myanmar.

Nagsagawa ng bilateral meeting si Marcos at ang Cambodian leader noong Huwebes sa sideline ng 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summits at Related Summits sa Cambodia.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Press Secretary, tinukoy din ni Marcos ang pangangailangang lutasin ang krisis sa Myanmar sa pamamagitan ng pagsusuri sa political dynamics nito habang nakikipag-ugnayan sa bansa “sa lahat ng posibleng paraan.

Bukod sa krisis sa Myanmar, sinabi ng OPS na si Marcos at ang punong ministro ng Cambodian ay “pinag-usapan nang mahaba” ang ripple effect ng hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Si Marcos, na dumalo sa kanyang unang Asean summit bilang punong ehekutibo ng bansa, ay nagkaroon din ng bilateral meeting kay Vietnamese Prime Minister Phan Minh Chinh, kung saan pinag-usapan nila ang tungkol sa pagpapabuti ng ugnayan sa pagitan ng Manila at Hanoi, partikular sa mga areas of defense, maritime security trade, tarde, at agriculture.