-- Advertisements --
viber image 2022 09 11 14 09 39 894

Bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa puntod ng kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani kasabay ng ika-105 na kaarawan ng dating pangulo ng bansa.

Kasama nito ang kanyang inang si dating First Lady Imelda Marcos maging ang kanyang kapatid na si Irene Marcos-Araneta.

Nagpasalamat naman ang Pangulong Marcos sa lahat ng kanilang mga supporters na nakikiisa para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ama.

“We do this to keep his [Marcos Sr.] plan. It is the rebirth of not perhaps the physical body of President Marcos Sr., but it is the rebirth of his dreams, of his wisdom, of his love for this country. So let us keep that flame alive. It is reborn. Let us keep it strong and fight. And let us guide through all that we do in the future in the service of our beloved Filipinos,” ani Marcos.

Kabilang pa sa mga dumalo sa isinagawang misa sa Libingan ng mga Bayani ang malalapit na kaibigan at dating mga Presidential Security Group close-in officers ng pamilya Marcos.

Una rito, idineklara ng Malacañang ang September 12 bilang special non-working day sa Ilocos Norte kaugnay ng pagdiriwang ng kaarawan ng dating pangulo.