Ikinatuwa ng Alliance of Health Workers (AHW) ang pagkakatalaga kay epidemiologist at infectious diseases expert na si Dr. Eric Tayag bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH).
Ayon kay AHW President Robert Mendoza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, marami nang napatunayan ang binansagang ‘dancing doctor’ kaya siguradong kwalipikado ito na maging DOH undersecretary.
Subalit ang dapat aniya na pagtuunan ng pansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay ang pagtatalaga ng bagong kalihim ng health department.
Hanggang sa ngayon kasi ay wala pa ring napipili ang Pangulo bilang DOH Secretary sa loob ng limang buwang paninilbihan sa bansa.
Pagbibigay diin ni Mendoza na mahalagang magtalaga na ang Pangulo dahil papatapos na ang taon ay marami pang programa na nakabinbin ang
tanggapan at hindi pa naaksyunan.
Isa na rito ang hindi pa naipapamahagi na COVID-19 allowance ng mga health workers.