-- Advertisements --

BBM1

Walang punto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Pilipinas na magtayo ng armory.

Iginiit niya na hindi palaging sagot sa mga isyu ang ‘military solution’.

Ito ang kasagutan ni Pangulong Marcos sa tanong ni World Economic Forum (WEF) President Borge Brende sa Davos, Switzerland kung ikino-konsidera nito na doblehin ang defense budget ng bansa kagaya ng ginawa ng Japan.

Itinataas ng Japan ang defense spending nito sa 2% ng gross domestic product (GDP) sa loob ng limang taon.

Ngunit, ipinaliwanag ni Marcos na ang Pilipinas ay wala sa “economic situation” para makapagtayo ng kanyang armory.

Idinagdag niya na ang paggamit sa militaristic solutions ay “magdulot ng masama para sa lahat ng kasangkot at maging sa mga hindi sangkot,” gaya ng nangyari sa digmaang Russia-Ukraine, na nakaapekto sa ibang mga bansa kabilang ang Pilipinas.