-- Advertisements --
image 335

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanilang naging pag-uusap kamakailan ni Chinese Ambassador Huang Xilian.

Nang matanong ang Pangulo kung ano ang kanyang sinabi sa Chinese Ambassador sa kanilang naging pulong kamakailan, sinabi nitong hindi kasama sa kanilang napagkasunduan ni Chinese President Xi Jin Ping ang gamitan ng laser ang tropa ng Philippine Coast Guard.

Kung tutuusin sabi ng Pangulo ay hindi sana pinag-uusapan ng dalawang magkaibigang bansa ang insidente subalit nangyari ang naturang kaganapan.

Dapat aniya itong mahanapan ng paraan ayon sa Pangulo upang hindi na maulit pa at mahinto na ang sunod-sunod na aniya’y agressive acts na nakita sa mga nakaraan.