Nagpahayag ng pangako sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na palakasin ang kanilang pakikipagtulungan sa mga pagsisikap sa kalakalan at seguridad.
Ginawa ng dalawang lider ang pangakong ito matapos tapusin ang kanilang bilateral meeting sa sideline ng 29th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.
Parehong sinabi ni Pangulong Marcos at PM Ardern na masigasig silang makipagtulungan sa mga Pilipinong magsasaka sa mga bagong inobasyon sa pagsasaka upang mapataas ang sustainability at productivity.
Sinabi rin ng Pangulo na ang pakikipagtulungan ng Pilipinas at New Zealand sa kalakalan ay lumago.
Itinaas din ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na palakasin ang mga pagsisikap upang makamit ang kapayapaan.
Ang daan tungo sa kapayapaan, ayon sa punong ehekutibo, ay nangangailangan ng nagkakaisang pagsisikap mula sa mga miyembro ng rehiyon ng Asia-Pacific at ng mundo.