Nagkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Japan Bank for International Cooperation (JBIC) Governor Tadashi Maeda.
Sa larawang ipinadala ng office of the House Speaker, makikita na magkasama sina Pang. Marcos, JBIC Gov. Maeda at Speaker Martin Romualdez.
Pagdating pa lamang ng Pangulo sa Japan, para sa kanyang five day official working visit, agad itong dumalo sa isang dinner-meeting na inorganisa ng Mitsui & Co. and Metro Pacific Investments Corporation.
Ayon kay Speaker Romualdez sa mensahe ng PBBM, hinimok nito ang mga kumpanya sa Pilipinas at Japan na higit na palakasin at patatagin ang kanilang ugnayan pagdating sa trade and investment.
Kasama sa delegasyon ng Pilipinas ang mga may ari ng mga malalaking kumpanya sa bansa.
Maging ang mga economic managers ng Pangulo.
Inaasahang makakaakit ang Pilipinas ng mas maraming agri-business investments mula sa Japan.
Una ng sinabi ng Pangulo na ang kaniyang biyahe ay magbubukas ng mas maraming agri- businre market sa ” Land of thr Rising Sun.”
Nakatakda kasi lumagda ang Pilipinas at Japan sa isang kasunduan kaugnay sa agricultural cooperation.
Ang Japan ang tanging bansa kung saan ang Pilipinas ay mayruong bilateral free trade agreement na tinatawag na Japan-Philippines Economic Partnership Agreement.