Muling siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng patas na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa susunod na taon.
Una rito ay inanunsyo ng Commision on Election na sa taong 2025 itutuloy ang election na unang naantala noong taong 2022.
Alinsunod rin ito sa itinatakda ng Bangsamoro Autonomy Act Nos. 41 to 48.
Sa naging mensahe ni Pangulong Marcos Jr. na nananatiling matatag ang kanyang commitment sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Aniya, noon pa man ay bahagi na siya ng bumalangkas sa Bangsamoro Basic Law.
Naniniwala rin ang Punong Ehekutibo na marami nang nakamit na progreso ang BARMM ngunit aminado ito na marami lang dapat na maisakatuparan.
Inihayag rin ni PBBM na nasa kamay na ng mga residente ng BARMM ang kapangyarihan kung sino ang gusto nilang pinuno na mamumuno para sa kanila at sa hinaharap.