Agaw pansin ang inihandog na mga bulaklak mula sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mosuleo ng pamilya Aquino, kung saan nakahimlay sina dating Sen. Ninoy, dating Pangulong Cory at dating Pangulong Noynoy Aquino III.
Matatagpuan ang libingan nila sa Manila Memorial Park, Paranaque City.
Matatandaang naging matinding magkaribal ang pamilya Marcos at Aquino matapos ang deklarasyon ng Martial Law.
Maliban sa mga Aquino, binigyan din ng bulaklak ang iba pang dating presidente ng bansa, pati na ang iba pang malalaking personalidad sa larangan ng politika, national artists at mga nagbigay ng karangalan sa ating bansa.
Inaasahang dadalaw naman si Pangulong Marcos sa himlayan ng kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nasa Libingan ng mga Bayani.