Interesado ang Pilipinas na magkaruon din sa bansa ng waste-to-energy projects.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng nangyayari ng transition ng maraming bansa sa paggamit ng fossil fuels patungo na sa renewable energy.
Ayon sa Pangulo, Malaki Ang kanyang interes sa nasabing teknolohiya na kung Saan ay maaari pa lang makatulong din ang basura sa pagkakaruon ng dagdag na enerhiya.
Pero pag- Amin ng Pangulo, may mga hamong dapat na harapin gaya ng kailangang angkop na imprastruktura upang mapakinabangan ang enerhiya na nagmumula sa mga tambakan ng basura.
Bukod pa rito ang mga isyung legal at kailangang regulasyon at pulitika.
Lumutang ang ideya kasunod ng pakikipag pulong ng Pangulo SA energy business sector ng Brunei na Plano na ding magtayo ng waste-to-energy plants.