-- Advertisements --
PBBM OFW ZURICH

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Switzerland sa pagsuporta sa kanyang 2022 presidential at pinuri rin ang kanilang pagsusumikap at dedikasyon.

Nasa Switzerland si Marcos para sa World Economic Forum sa pagsisikap na makaakit ng mga foreign investors.

Ayon kay Marcos, nabaliktad ang kaniyang pakikipagkita sa mga overseas Filipino workers kung saan nauna ang eleksiyon kaysa kampaniya.

Sa kaniyang mensahe, ipinaliwanag ni Marcos na bumisita rin siya sa Switzerland para ipakilala ang sarili sa mundo bilang bagong halal na pangulo.

Aniya, kailangan niyang ipakilala ang kaniyang sarili at ipaalam sa mga potential investors na marami nang mga bagay ang nagbago, mas maganda na ang sitwasyon sa Pilipinas ngayon.

Pinuri rin niya ang mga OFW sa kanilang pagsusumika at sinabi na ang mga foreign employers ay nagbigay pansin sa kanilang dedikasyon.