Nagsagawa ng surpresang inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City ngayong araw.
Ito ay para siguruhin kung sapat ang suplay ng bigas doon.
Sinabi ng Pangulong Marcos na sapat naman daw ang suplay ng bigas pero nabawasan na ito.
Bnawasan na raw din kasi ang inaangkat na bigas at kinuha na supply mula sa local production.
Pero sinabi naman ni Marcos na siya ring tumatayong kalihim ng Depaent of Agriculture (DA) na kailangan pa rin nilang i-monitor ang supply ng bigas dahil posibleng makaapekto sa produksiyon ang masamang lagay ng panahon.
Layon din ng pagbisita ni Marcos na NFA warehouse dahil nais nitong makita ang supply ng bigas na siyang pinanggagalingan ng suplay ng bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa stores.
Aniya, may nagtanong daw kaso noong nasa Quezon City sila kung sapat ba ang supply ng bigas para sa Kadiwa stores.
Naniniwala naman si Pangulong Marcos na mananatili sa P25 ang presyo ng kada kilo ng bigas dahil ang mga ibinenenta na ngayong suplay ng bigas ay galing sa ani ng mga magsasaka ngayong cropping season.
Magugunitang base sa rice monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa Metro Manila, ang local commercial rice ay nabibili sa pagitan ng P38.00 hanggang P50.00 kada kilo;
Special (blue tag) – P50
Premium (yellow tag) – P45
Well-milled (white tag) – P42
Regular-milled (white tag) – P38
Samantala, ang presyo naman ng imported commercial rice ay nasa:
Special (blue tag) – P50
Premium (yellow tag) – P45
Well-milled (white tag) – P40
Regular-milled (white tag) – P38
Samantala, kaugnay naman ng suplay ng sibuyas, sinabi ng pangulo na natugunan na ito.
Gumagawa pa rin naman daw ng paraan ang pamahalaan para matugunan ang naturang problema.
Una rito, nasabat ng pamahalaan ang P3.9 million na halaga ng smuggled imported white onions sa Divisoria, Manila.