-- Advertisements --
PBBM SIGNING BUDGET

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr Ang Executive Order ang Philippine Development Plan for 2023-2028 bilang roadmap para sa economic recovery Ng bansa.

Ito ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil ay naka- ankla sa “AmBisyon Natin 2040,” na naglalayong maibalik ang bansa sa high-growth trajectory.

Ang ambisyon Natin 2040 ay magsisilbi Ng guide para sa development planning Mula 2016-2040 na tumatarget sa pag- abot Ng matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa mga Pilipino.

Ang PDP ay nakakabit sa 8-Point Socioeconomic Agenda Ng Marcos Administration na naglalayong palakasin Ang job creation at ikasa Ang poverty reduction habang patuloy na tinutugunan Ang Iba pang isyu na may kinalaman sa pandemya.

Saklaw ng EO No. 14 na i-adopt ang PDP plan ay ang mga National government agencies, GOCCs, government financial institutions, government corporate entities (GCEs), state universities and colleges at local government units.