-- Advertisements --
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5.268 trillion National Budget para sa susunod na taon.
Pasado alas-2:00 ng hapon nang isagawa ang ceremonial signing sa Malacañang para sa General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2023.
Dumalo sa aktibidad ang mga mambabatas at mga miyembro ng gabinete.
Magugunitang noong unang linggo ng Disyembre nang ratipikahan ng Senado at ng Kamara ang kanilang bicameral report para sa national budget.
Ayon sa liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso, nakapaloob sa 2023 budget ang mga hakbang para makamit ang economic recovery at pasok ito sa iisinusulong na ‘socioeconomic agenda’ ng Marcos administration.