-- Advertisements --
PBBM 2

Nananatiling naka-monitor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kalagayan ng mga residente sa Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.

Tugon ito ng Malacañang sa ilang naghahanap sa punong ehekutibo, lalo na noong kasagsagan ng mga pagbaha sa Visayas at Mindanao.

Pero wala pang schedule na inilalabas para sa aerial survey at inspection.

Ayon kay Cheloy Garafil, Undersecretary ng Office of the Press Secretary (OPS), nasa Malacañang na ngayon ang pangulo ay sunud-sunod ang pakikipagpulong sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa pinag-uusapan kung paano makakapaghatid ng tulong ang pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng pagbaha.

Matatandaang una rito, tiniyak ng Malacañang na makatitiyak ang publiko, lalo na ang mga nananatili sa evacuation center na patuloy na kumikilos ang pamahalaan upang agad makapagpaabot ng tulong.